top of page

Dalawang Virus ang pumapatay sa mga tao ngayon: COVID-19 at Rasismo

Updated: Jun 23, 2020

Ni Christian Jay Quitoriano

Kailan tayo kikilos? Ilang buhay pa ang mawawala? Ilang pamilya pa ang magdurusa? Isa sa mga matindi at nakaaawang balita ngayon ay ang pagpaslang ng mga pulis sa isang African-American sa bansang Amerika. Oo, pinaslang at binawian siya ng buhay dahil lamang sa kulay ng kanyang balat, isang gawain na hindi makatao at makatarungan. Hindi makatarungan sapagkat hindi lamang ito ang kauna-unahang pangyayari na mabawian ng hininga ang isang tao dahil lamang sa kulay ng kanyang balat.


Magiging mas payapa ba ang buhay ng mga tao sa bagong salinlahi kung hahayaan lang natin na mangyari ang ganitong kalagayan? Hahayaan ba nating maabuso at maapi ang mga tao dahil lamang iba ang kanilang lahi at pinanggalingan? Iisa lamang ang ating mundo kaya’t dapat tayong magkaisa at magtulungan. Kailangan nating ibahin ang ating pamamaraan ng pag-iisip tungo sa mga iba’t ibang tao. Ang totoo ay nariyan lagi ang diskriminasyon sa iba’t ibang lahi at tao datapwat ito ba ay magandang pamamaraan? Kaya’t kailangan nating gamitin ang ating mga

pribiliheyo at natatanging karapatan upang magbigay ng tulong sa mga inaapi at inaabuso.


Kailangan nating maging isang mabuting huwaran, uliran at mabuting mamamayan sa mga makabagong salinlahi. Gamitin natin ang ating puso upang magbahagi ng pagmamahal sa mga hindi nakararanas at gamitin nating ang ating isipan upang makabuo ng mga makabagong balintataw na makaiimpluwensyang baguhin ang mga masasamang paniniwala at paninindigan ng mga tao sa iba’t ibang mundo. Laging pakatatandaan na kung hindi tayo gagawa ng paraan ngayon para tulungan ang mga naaapi, kalian tayo magsisimula? Paano kaya kung ikaw na ang naaapi o naaabuso, sino ang kikilos para sa iyo?


TRANSLATION:

Two Viruses that Killed People Today: COVID-19 and Racism

When do we act? How many lives are lost? How many families are still suffering? One of the most compelling news today is the murder of African-American by a police officer in America. Yes, he was murdered and stripped of his life just because of the color of his skin, an inhumane and unjust act. This is not fair because it is not the first time a person died simply because of the color of his or her skin.


Will we allow people to be abused and oppressed simply because they are of different race and origin? We have only one world so we must be united and work together. We need to change our way of thinking to different people. The truth is that there is always discrimination against different races and people but is it the right thing to do? Therefore, we must exercise our privileges and rights to provide assistance to the oppressed and abused.


We need to be a good role model and citizen in today's generation. Let us use the heart to give love to those who do not feel it and to use our minds to come up with an ideas to influence the opinions of people across the world. My only goal is: if we do not take action now to help the oppressed, when will we do it? What if you were the one who was attacked or abused,

who would act for you?

32 views0 comments

Recent Posts

See All

ความคิดเห็น


bottom of page