top of page

Online exams ng PSG, Paano nga ba Naganap?

Updated: Jun 23, 2020

Ni Jon Bradley Mayuga


Ang ikatlong markahang pagsusulit ng mga mag-aaral ng PSG ay ginanap noong ika-27 ng Abril. Sa isang araw ay dalawang pagsusulit ang kanilang pinagtuunan at sinagutan. Mayroon lamang silang isang oras at tatlumpung minuto upang sagutan ang mga ito, ang unang pagsusulit ay mula ika-9 ng umaga hanggang 10:30 ng umaga, ang pangalawang pagsusulit naman ay mula ika-11 ng umaga hanggang 12:30 ng tanghali. Ilang araw bago ang pagsusulit ay naglaan ang mga guro ng mga karagdagang pag-eensayo upang mas maging handa ang mga mag-aaral sa darating na ikatlong markahang pagsusulit. Sa kabilang dako naman ay naganap din ang ikaapat na markahang pagsusulit noong ika-9 ng Hunyo hanggang ika-13 ng Hunyo, tulad nang nakaraang markahang pagsusulit, mayroon din lamang dalawang pagsusulit sa isang araw at ang oras ng pagsusulit ng ikaapat na markahang pagsusulit ay tulad lamang ng sa nakaraang markahang pagsusulit. Naging matagumpay ang pagsusulit sa pamamagitan ng online sapagkat kapwa ang mga guro at mga mag-aaral ay nakiisa upang maisakatuparan ito.


TRANSLATION:

Online exams of PSG, how did it happen?

The Third Quarter Examination of PSG students was held last April 27th. In one day they took two exams and had an hour and thirty minutes to finish them, the first exam was from 9am to 10:30, the second exam was from 11am. to 12:30 pm. A few days before the test, teachers provided additional exercises to prepare students for the upcoming third quarter examination. The Fourth Quarter Examination also took place last June 9th to June 13th, just like the previous examination there are only two exams a day and just like the time allotment in the third quarter. The online examination was a success from both teacher’s and student’s cooperation and collaboration.



58 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page