top of page

Marka at Diploma, Ito nga ba ang Batayan ng Tagumpay?

Updated: Jun 23, 2020

Ni Kirsten Mae Arada


Ano ba ang tunay na batayan ng tagumpay? Paano mo malalaman kung ikaw ay nagtagumpay na? Karamihan sa salinlahi na ito ay naniniwala na ang tunay na tagumpay ay ang makakuha ng mataas na marka at makatanggap ng kanilang diploma, datapwat ang pagkakaroon ba ng mataas na marka at ang makatanggap ng diploma ay sapat na upang masambit na nagtagumpay ka na? Oo ang pagkakaroon ng mataas na marka at diploma ay isang salik sa pagtatagumpay sa buhay sapagkat dito mababanaag ang katibayan na ang isang tao ay nakaraos mula sa pag-aaral at ito’y makakapag-ambag sa pagkakaroon ng maganda at maasahan na hanap-buhay. Maaaring sabihin na ang pagkakaroon ng mataas na marka o diploma ay isang pagtatagumpay sa buhay ng isang tao datapwat hindi lang dapat ito ang adhika nating mapagtagumpayan.


Kung ang tanging adhika mo lang ay ang makakakuha ng mataas na marka at makakuha ng diploma, ano ang adhika mong mapagtagumpayan sa susunod? Kung ang buhay mo ay umiikot lang sa kagustuhan mo na magkaroon ng mataas na marka at makakuha ng diploma anong mangyayari sa buhay mo kapag napagtagumpayan mo na ito? Sa buhay ng isang tao, maaari tayong mag-isip ng maraming bagay na adhika natin mapagtagumpayan hindi natin kailangan umasa sa iisang adhikain sa buhay sapagkat laging pakatatandaan na ang tunay na batayan ng

tagumpay ay ang kasiyahan.


TRANSLATION:

Grades and Diploma, are these the Bases of Success?


What is the true measurement of success? How do you know if you have succeeded? Most of these generations believe that true success is to get a high grade and receive their diploma. Do college degree and diploma suffice to say that you have succeeded? Yes, having a high school diploma and diploma is a win-win for everyone because it reflects the evidence that a person has gained from education and that it can contribute to having a good and promising job. It may be said that having a high degree or diploma is a victory in one's life but it is not just our goal to achieve.

If your only goal is to get a high school diploma and also get a college diploma, what is your goal of success after that? If your life revolves around the desire to get a high grade and get a diploma what will happen to your life once you have achieved it. In life, we should have a lot of goals, goals that will test who you are and what you want. But always remember that the true success is always your happiness.

894 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page