top of page

Katoto Ngayon, Bukas Ano na Kaya?

Updated: Jun 23, 2020

Ni Kirsten Mae Arada

Mga katoto ngayon,

ngunit panghabang buhay ba iyon?

Magkatoto pa rin ba pagkalipas ng ilang taon?

O tanging alaala na lamang ang ibabaon.


Mga pinagsamahan ba ay iwawaglit,

dahil sa mga bagay na ating nakamit.

Mga alaala ba’y habang buhay na marikit,

o ito ba’y magiging mapait


O aking mga katoto,

Gusto ko mag-isip ng positibo,

datapwat dapat na tayo magpakatotoo,

na pagdating ng araw tayo rin ay magkakalayo.


Salamat sa mga alaalang maririkit,

mga alaala noong tayo pa’y makukulit,

sa mga araw na lahat tayo’y magkakalapit.

O aking mga katoto, maraming salamat sa saglit.


TRANSLATION:

Friends Today, What about Tomorrow?

Friends for today, are they for a lifetime? Are they still be treasured?

What we are today makes us what will be tomorrow? For tomorrow, my

dear friends may not be the same…for tomorrow you’ll only be memories!

24 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page