top of page

Mapait na Katotohanan

Updated: Jun 23, 2020

Ni Vincent Adrian Cacdac

O aking sinta,

Bakit tila nagbago ka?

Bakit bigla kang nawalan ng gana?

Bakit iniwan mo akong nag-iisa?


Naalala mo pa ba ang iyong mga pangako?

Yaong mga pangako mong biglang napako?

Yaong pangakong ikaw lang ang mamahalin ko,

at pangakong narito ka lang lagi sa tabi ko.


Naaalala ko pa ang mga huling sinabi mo,

Yaong sinabi mo bago ka biglaang naglaho.

Mahirap tanggapin sa puso ko,

noong sinabi mo sa aking ikaw ay susuko.


Oo, mahirap talagang tanggapin,

mahirap tanggapin ang katotohanang di ka na niya mamahalin

Sobrang sakit diba?

Sobrang sakit dahil nakikita mo siyang masaya na sa iba.


Masakit man pero kailangan kong tanggapin.

Kung ayaw mo na, ika’y aking papalayain.

Mahirap mang isipin na wala ka na sa aking piling.

Pero kung sa iba ka talaga sasaya, iyan ay aking tatanggapin.


TRANSLATION:

Hard Truth

Oh my dear, why did you change your heart? Why did you suddenly lose your interest in me? Why did you leave me alone? Didn’t you still remember your promises?

Those promises you suddenly forgotten: the promise that you would love me forever and that you would always be by on my side.


I could still remember the last things you said before you suddenly disappeared. It was hard to accept when you told me you were going to give up. Yes, it was really hard to accept. Did it really hurt too much? It hurt a lot because you would find her happiness in other’s arms.


It hurt but I had to admit. If you didn’t want to, I'll let you go. It's hard to imagine that you are no longer with me. But if it will make you happy, I'll accept it.

26 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page