Pagtatapos ng Taon
- PSG Chronicles
- Jun 17, 2020
- 1 min read
Updated: Jun 23, 2020
Ni Erchelle Jayrine Pagdilao
Sa paaralan nagsimula,
lahat ng magandang alaala.
Tayo ay nagkakilala,
at may nabuong tiwala.
Mga pagsusulit na napakahirap,
kahit anong hirap,
dapat lang tayo’y magsumikap,
para sa ating magandang kinabukasan at pangarap.
Tayo’s nagbabasa ng mga aklat,
sapagkat ito ang nararapat.
Ang maraming kaalaman,
Ay sadyang ating hangad.
Hindi nawawala ang mga nagpapataasan,
kaya’t sila ay nakikipagpaligsahan.
Minsa sila’y nagsisisihan,
ngunit sa huli sila ay naging mabuting magkakaibigan.
Ang kaalaman natin ay may patutunguhan,
kung saan magagamit natin sa ating kinabukasan.
May mga pinagdadaanan man,
datapwat ito ay napapalagpasan.
Mabilis lumipas ang panahon,
kaya’t huwag palagpasin ang pagkakataon,
na makabuo ng magandang alaala na ating baon,
sa pagtatapos ng taon.
TRANSLATION:
End of the Year
School started with good memories. We have met and build our confidence on friendship, and this friendship brought us that far. We read our books, we answered us test, we discovered new things, and we built our future with our friends, teachers and loved ones. Our treasured wisdom and intellect brought us to the pinnacle of success as the year ended.
Comentários