top of page

Tunay na Pagkakaibigan

Updated: Jun 23, 2020

Ni Vincent Adrian Cacdac

Para sa aking mga kaibigan,

maraming salamat at lagi kayong nariyan.

Lagi niyo akong tinutulungan,

kung ako ay may kailangan.


Hindi man tayo laging nagkikita,

ngunit kung magkakasama naman tayo ay lubos lubos ang aking ligaya.

Sana ay lagi tayong masaya,

at sana lagi tayong magkakasama.


Hindi man tayo magkakadugo sa totoong buhay,

ngunit lubos ang pasasalamat ko na kayo’y nasa tabi ko at umaantabay.

Kung darating man ang panahon na tayo’y makakahiwalay,

lagi niyong tandaan na hinding hindi ko makalilimutan na dumating kayo sa aking buhay.


Papalapit na ang panahon kung kailan tayo’y magkakahiwalay na,

ngunit tandaan ninyo na hindi hadlang ang distansya.

Malayo man tayo o malapit sa isa’t isa,

lagi niyo lang tatandaan, mahal ko kayo at itinuturing ko kayong pamilya.


Makahahanap man tayo ng ibang kaibigan.

ngunit ang ating pagsasamahan ay hindi ko makalilimutan,

dahil isa kayo sa mga nagbigay ng kaliwanagan,

at ako ay hindi ninyo iniwan.


TRANSLATION:

True Friendship

To my friends, thank you so much and for always be on my side. You always help me in times I need someone. We do not always see each other but when we are together, we are very happy. I do hope that we will always be contented for each other and hopefully we will always be together.

I am so grateful that you are by my side. If the time comes we will be apart, always remember that I will never forget that you. Keep in mind that distance is not a barrier rather it brings us together. Always remember that love binds us together as one. Our friendship is an everlasting grace from heaven.

42 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page